LTO EXAM REVIEWER TAGALOG 2022
Quiz
- Ang Temporary Operator's Permit (TOP) ay nagpapahintulot sa isang drayber na magmaneho ng sasakyan ng hindi lalampas sa:
- 72 oras mula ng ito ay ma-issue
- isang linggo
- 15 na araw
- Sa direksyon at kontrol ng trapiko, kapag ang mga traffic lights at law enforcer ay nagdidirekta sa trapiko, alin ang susundin mo upang maiwasan ang pagkalito?
- Traffic Enforcer
- parehong traffic lights at enforcer
- traffic lights
- Upang maisakatuparan ang isang ligtas na pagliko, ang isang rider ng motorsiklo ay dapat palaging:
- I-liyad ang motor sa direksyon ng kurba
- maging mabilis at listo sa pag liko
- I-liyad ang motor sa kasalungat na direksyon ng kurba
- Ang isang drayber ay ______pumarada sa gilid ng kalsada sa loob ng 6 na metro ng lugar tawiran dahil mahaharangan nito ang tanaw ng ibang drayber sa lugar tawiran.
- maaaring
- hindi ligtas
- hindi dapat
- Kapag paparating sa interseksyon at ang kalsada ay nahaharangan ng trapiko, ikaw ay dapat na :
- pumwesto ng pinakamalapit sa sasakyan sa unahan
- magpatuloy ng dahan-dahan sa interseksyon hanggang sa ang trapik ay dumaloy
- huminto bago ang interseksyon at hintayin na umusad ang daloy ng trapiko
- Para makakuha ng driver's license, ikaw dapat ay :
- 16 taong gulang
- 17 taong gulang
- 18 taong gulang
- Matapos kang lumampas (overtake) at nais mong bumalik sa pinang-galingang linya ng ligtas kailangan:
- tignan sa rear view mirror ang iyong nilgpasan
- lumingon sa iyong nilagpasan
- huminto
- Dapat bang magbigay ang drayber na paliko sa interseksyon sa mga tumatawid?
- Hindi, ang mga tatawid ang dapat na magbigay sa mga sasakyan
- Oo, ang drayber na liliko pakanan o pakaliwa ay dapat magbigay sa mga tatawid
- Oo, kapag ang drayber ay liliko lamang pakaliwa
- Ang lisensya ng isang drayber na nahuli ng tatlong beses sa loob ng 12 na buwan ay maaarimng bawiin o suspindihin ng Direktor sa loob ng:
- hindi lalampas sa dalawang taon
- tatlong taon
- habangbuhay
- Kung magpapatakbo ng mabagal sa "expressway" dapat kang gumawi sa :
- gitnang linya
- kanang linya
- kaliwang linya
- Gaano dapat kalapit ang ibang sasakyan bago mo i-dim ang iyong mga headlight?
- 150 metro
- 100 metro
- 200 metro
- Kung ang isang drayber ay mabilis na magmaneho sa isang kurbada, sya ay:
- dapat na diinan bigla ang preno kung kinakailangan
- hindi dapat hilahin ang handbreak
- hindi dapat diinan bigla ang preno
- Ang may-ari ng sasakyn na pribadong nakarehistro na ginagamit sa pamasada at pagsakay ng mga pasahero o kargamento ay may parusa na:
- multa na Php 2,000 at pagkumpiska ng lisensya
- multa na Php 300
- pagkumpiska ng plaka ng sasakyan
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
- bawal lumiko pakanan
- bawal lumiko pakaliwa
- bawal ang U-turn
- Ang isang pre-trip inspeksyon ay dapat makumpleto:
- bago at pagkatapos gamitin ang sasakyan
- pagkatapos gamitin ang sasakyan
- bago gamitin ang sasakyan
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan :
- papasok sa sangandaan
- sasanib sa trapiko papasok sa sangandaan
- papasok sangandaan na may kalsada sa gilid
- Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinababawal ng batas at may kaparusahang:
- Php 500
- Php 500 at pagka-impound ng sasakyan ng hindi hihigit sa sampung araw
- Php 1500
- Maaari kang lumipat ng lane kung ikaw ay:
- nakapagbigay na ng tamang senyas at nasuri ang trapiko
- nakapagbigay na ng senyas
- nakapagsuri ng trapiko
- Gawin ito kapag ikaw ay paparada:
- ilipat ang gear sa neutral
- patayin ang makina at hatakin ang handbreak
- isara ang mga bintana
- Ang mga epekto ng alkohol sa pagmamaneho ay ang mga sumusunod maliban sa:
- maayos na koordinasyon ng pag galaw ng katawan at pag desisyon
- wala sa konsentrasyon
- mabagal ang reaksyon
- Kapag nagmamaneho sa highway kung saan maraming lubak, dapat ay :
- bawasan ang iyong bilis
- mapanatili ang iyong bilis
- dagdagan ang iyong bilis
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan :
- babala ng sangandaan
- delikado ang kurbada sa kanan
- delikado ang kurbada sa kaliwa
- Kapag ang sasakyan na iyong minamaneho ay lumabas sa kalsada o tumama sa isang de-koryenteng poste o sa naka-park na kotse, ang iyong pinaka-malamang na kadahilanan ay:
- mayroon kang isang flat na gulong
- masyadong mabilis ang iyong pagmamaneho kaya ka nawalan ng kontrol sa iyong sasakyan
- Ikaw ay nabangga ng isang sasakyan kaya ka nawalan ng kontrol
- Ano ang dapat gawin kung pinapahinto ng pulis?
- Huminto at ibigay ang lisensya at ibang papeles ng sasakyan kung hinihingi
- Huwag pansinin ang pulis at bilisan ang pagtakbo
- Huminto at makipagtalo sa pulis
- Ang iyong bilis habang nagmamaneho sa gabi ay dapat na:
- sapat lang para ikaw ay makapagpreno sa distansya na iyong tanaw gamit ang iyong headlight.
- panatilihin dahil sapat naman ang ilaw ng kalsada
- mabagal para makaiwas sa aksidente
- Ang isang drayber sa isang highway ay dapat magbigay daan sa :
- sa mga tumatawid
- sa mga tumatawid dahil sa emergency
- sa mga tumatawid sa lugar tawiran
- Ang hindi marunong magbasa at sumunod sa ilaw trapiko ay :
- nagpapatunay na mahusay kang drayber
- maaaring masangkot sa aksidente
- nakatipid sa gasolina
- Sa interseksyon na walang ilaw trapiko, may dalawang sasakyan na paparating mula sa magkasalungat na daan. Sino ang dapat na magbigay daan?
- ang drayber na liliko pakanan
- ang drayber na liliko pakaliwa
- ang drayber na nauna sa interseksyon
- Maaari kang lumusot (overtake) sa kanang bahagi ng sasakyan kung:
- ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon
- ang kalsada ay salubungang-daan (two-way)
- malapad ang bangketa
- Kung may mga tatawid sa lugar tawiran sa isang paaralan, ikaw ay dapat na:
- huminto at magbigay sa mga taong tatawid galing sa iyong kanan
- huminto at magbigay daan lamang sa mga bata
- huminto at huwag magpatuloy hanggang hindi pa nakakatawid ang lahat
- Ano ang dapat mong gawin pag makita mo ang tanda na ito?
- huminto lamang kapag may ibang sasakyan na paparating
- may simbolo na "stop" 150 metro sa unahan
- huminto sa interseksyon at tumuloy kapag libre na ang daan
- Ang dalawang dilaw na linya na tuloy-tuloy ay palatandaan na:
- maaaring lumusot pakanan
- peligroso ang lumusot sa pakanan
- maaaring lumusot pakaliwa
- Ang sasakyan na iyong minamaneho ay tumirik sa highway, dapat mong ilagay ang Early Warning Device (EWD):
- 2 metro sa likod at harap ng sasakyan
- 3 metro sa likod at harap ng sasakyan
- 4 metro sa likod at harap ng sasakyan
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
- Bawal pumarada
- Bawal bumusina
- Bawal ang likong pabalik
- Ang pinakamainam na gawin kapag liliko pakanan o pakaliwa habang bumabaybay sa highway ay:
- magbigay ng senyas ng iyong pakay habang lumiliko
- magbigay ng electrical o hand signal sa layong 30 metro bago ka lumiko
- huwag nang magbigay ng senyas kung wala namang kasunod na sasakyan
- Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa?
- Biglang lumiko at bumusina
- Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30 metro
- Ipagwalang bahala ang hudyat
- Ang palatandaan na ito ay
- May kurbada sa kalsada, humanda na lumiko pakanan at pakaliwa
- Sarado ang kalsada sa unahan
- Maaaring magpatakbo ng lagpas sa 30 kph
- Kapag may sinusundan na sasakyan, ito ang rule na magandang sundin:
- one car length per 20 mph or 30 kph speed
- one car length per 30 mph or 40 kph speed
- one car length per 10 mph or 20 kph. speed
- Kung ang kasalubong mo na sasakyan ay lumampas sa linya sa gitna para mag-overtake, ikaw ay:
- maging alerto at handang bumagal o huminto kung kinakailangan
- bumusina para sya ay maalerto
- panatilihin mo ang iyong bilis
- Huwag kailanman man pumarada sa kalsada na katapat ang fire hydrant, maaari ka lang pumarada kung may distansya na:
- 3 metro
- 4 metro
- 5 metro
- Ang parking lights ay maaaring gamitin:
- kahit kailan
- kapag magpaparada at mahirap makakita
- kapag nagmamaneho sa kalye na maliwanag ang ilaw
- May dalawang sasakyan na nagtagpo sa pataas na kalsada, sino sa dalawa ang dapat na magbigay daan?
- ang sasakyan pababa
- ang sasakyan na pataas
- ang sasakyan na unang bumusina
- Ang palatandaan na ito ay indikasyon na?
- Daanan ng tren, bumagal at maghanda na huminto
- Interseksyon
- May highway sa unahan
- Kung ikaw ay nagmamaneho sa isang kurbada at kailangan mo mag merge sa trapiko sa unahan, ano ang dapat mong gawin?
- Lumipat sa left lane
- Lumipat sa right o left lane
- Lumipat sa right lane
- Ang paggamit sa balikat ng kalsada para unahan ang sasakyan sa iyong harap ay:
- maaari kung kaw ay liliko pakanan
- maaari kung ang sasakyan sa unahan ay liliko pakaliwa
- labag sa batas
- Ikaw ay nasa "No-Passing" zone kapag ang gitna ng kalsada ay may marka na:
- dilaw na linyang putol-putol
- puti na linyang putol-putol
- dalawang dilaw na linya
- Ang isa na nakakaapekto sa iyong kakayahang makakita habang nagmamaneho ay?
- Mga sira o maruming headlight
- Mahinang ilaw sa kalsada
- Foggy na kalsada
- Ang "motor vehicle" ay sasakyan na:
- pinapatakbo ng makina
- tumatakbo ng malayo at sa trapiko
- tumatakbo gamit ang lakas ng kalamnan tulad ng bisekleta
- Ano ang mangyayari kapag pumutok ang iyong gulong sa harap?
- Gegewang ang harap sa panig ng pumutok na gulong
- Gegewang ang likod sa palayo sa pumutok na gulong
- Ang harapan ay hahatakin papunta sa panig ng pumutok na gulong
- Ang harapan ay hahatakin sa kabilang panig ng pumutok na gulong
- Sa isang aksidente, ano ang tungkulin ng drayber na walang pinsala?
- Tumawag ng manggagamot
- Panatilihin na nakahiga ang biktima
- Alamin kung sino ang may sala
- Ang harapan ay hahatakin sa kabilang panig ng pumutok na gulong
- Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?
- Maghanda ng kagamitang pangkumpuni ng sasakyan kung masiraan
- Planuhin ang ruta at ikondisyon ang sasakyan
- Tama lahat ang nasa itaas
- Ang riles ay may marka na crossbuck at may warning lights. Ang mga ito ay simbolo at hudyat na dapat huminto, bumagal at magpatuloy lamang kung pwede na. Subalit kung kailangan huminto, gawin ito sa layo sa riles na:
- 5 metro
- 4 metro
- 3 metro
- Ang palatandaan na ito ay indikasyon na?
- School zone
- lugar tawiran
- palaruan
- Kapag nagmamaneho sa highway sa gabi, dapat mong gamitin ang "low beam" na headlights kapag:
- may drayber na nag-dim din ng kanyang ilaw
- ikaw ay nasilaw sa ilaw ng kasalubong na sasakyan
- parehong tama ang mga sagot sa itaas
- Kung parating ka sa isang kurbada, ano ang dapat mong gawin?
- Magmarahan/bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada
- Bilisan ang takbo habang nasa kurbada
- Magpreno ng bigla habang tumatakbo sa kurbada
- Ano ang kahulugan ng patay-sinding kulay pulang ilaw trapiko?
- Maghintay ng berdeng ilaw
- Bagalan ang takbo at tumuloy ng maingat
- Huminto at magpatuloy kung ligtas
- Ang ibig sabihin ng berde na ilaw trapiko ay:
- dapat kang magbigay daan sa mga tumatawid at ibang motorista na gumagamit ng interseksyon
- dumiretso, ligtas na magpatuloy ka
- tumuloy ng maingat sa interseksyon bago maging pula ang ilaw
- Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang polusyon sa hangin lalo na sa mga sasakyan?
- tumulong na ipatupad ang batas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na pag-check-up ng sasakyan at maiwasan ang labis na pag karga
- magtanim ng mas maraming puno
- gumamit ng kotse na hindi hihigit sa 10 taong gulang
- Sa interseksyon na walang ilaw trapiko, may dalawang sasakyan na paparating mula sa magkasalungat na daan. Sino ang dapat na magbigay daan?
- Ang drayber na liliko pakanan
- Ang drayber na liliko pakaliwa
- Ang drayber na nauna sa interseksyon
- Kung ikaw ay naglalakbay sa kalsada na may dalawang lane at nakita mo na ang tiyansa ng peligro ay pareho sa magkabilang lane, ikaw ay dapat na:
- iposisyon ang sasakyan ng bahagya sa kanan
- iposisyon ang sasakyan ng bahagya sa kaliwa
- iposisyon ang sasakyan sa gitna
- Ayon sa RA 4136, ang preno sa bawat sasakyan (maliban sa isang motorsiklo) ay dapat:
- Binubuo ng isang mahusay na foot brake at hand brake.
- Binubuo ng isang mahusay na foot brake na gumanagana ayon sa nilalayon.
- Binubuo ng brake fluid sa lahat ng oras.
- Kung ang kasalubong na sasakyan ay lumampas sa linya sa gitna para kumaliwa, ikaw ay dapat na:
- dagdagan ang bilis para maunahan mo sya
- bumisan para maghudyat na ikaw ang mauuna
- magbigay daan at hintayin na mawala ang trapik
- Ano sa mga sumusunod ang hindi "highway"?
- Pampublikong parke at eskinita
- kalsada na pribado o pagmamay-ari ng unibersidad
- kalsada, abenida, maluwang na lansangan
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
- Bawal pumasok ang trak
- Bawal pumasok ang bus
- Bawal pumasok ang kotse
- Ang pag gamit ng "road shoulder" para mag-overtake ay:
- hindi labag sa batas lalo na kung matindi ang trapik
- labag sa batas
- magandang diskarte para mag-overtake
- Sa gabi ay hindi ka dapat magpatakbo sa bilis na pipigil sayong huminto sa loob ng distansya na:
- tanaw mo gamit ang headlights
- 4 na kotse and haba
- 170 talampakan
- Kapag nagmamaneho pababa sa isang mountain road palaging:
- maging laging handa na matumbok ang preno
- Bumusina kada isang minuto
- lumipat sa mababang gear upang ang pagpepreno sa engine ay makakatulong sa iyo na makontrol ang iyong bilis
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
- Bawal pumasok
- Bawal pumasok ang anumang sasakyan na hihigit sa 2 metro ang luwang
- Bawal pumasok ang anumang sasakyan na 2 metro ang luwang
- Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan:
- Bawal ang lumiko
- Isang direksyon lamang
- Bawal pumasok ang lahat ng klase ng sasakyan
- Kung paparada sa pataas na kalsada, dapat mong pihitin ang gulong paharap sa:
- gilid ng kalye/bangketa
- kabilang bahagi ng kalye
- gitna ng kalye
- Mapanganib ang palikong kaliwa kaysa sa kanan sapagkat:
- mabilis ang sasakyang galing sa kaliwa
- kailangang maging listo sa mga sasakyang nagmumula sa kaliwa o kanan
- maraming linya ang kalsada
- Kung ikaw ay nagmamaneho sa maling lane, ano ang dapat mong gawin para makakaliwa sa isang interseksyon?
- Lumiko ng mabilis
- Tapakan ang preno at clutch habang lumiliko para hindi bumilis
- Tumingin sa kaliwa at kanan para makita kung ligtas na lumipat ng lane at lumiko
- Kapag nagmamaneho kasabay ang mga nagbibisekleta, ikaw ay dapat na:
- mas maging mapag-alala sa kondisyon ng kalsada
- isaayos ang bilis at lakihan ang puwang sa inyong pagitan
- pasinagin ang headlight at bilisan ang patakbo
- Ang palatandaan na ito ay indikasyon na?
- Makitid ang kalsada sa unahan
- Paparating sa kalsada na may dibisyon
- Manatili sa kanan
- Ang dalawang dilaw na linya na tuloy-tuloy ay palatandaan na:
- maaaring lumusot pakanan
- peligroso ang lumusot sa pakanan
- maaaring lumusot pakaliwa
- Ang pagsuspindi ng lisensya ay nangangahulugan na:
- kailangan itong ma-revalida ng LTO
- ito ay permanenteng kukunin ng LTO
- ito ay pansamantalang kukunin ng LTO
- Ang paggamit ng huwad na lisensya ay ipinagbabawal at may parusang:
- Php 3,000.00 multa na may 12-buwang pagsuspinde sa lisensya
- Php 2,000.00 multa
- Hindi hihigit sa 6 na buwan ng pagkabilanggo
- Bago alisin ang sasakyan sa pagkakaparada, ikaw ay dapat na:
- bumusina at umalis ng dahan-dahan
- magsenyas at umalis ng dahan-dahan
- tignan ang daloy ng trapiko, sumenyas at umalis kung ito ay ligtas na
- Sa interseksyon na walang "Stop" o "Yield" signs, may dalawang sasakyan na paparating galing sa magkaibang kalye. Anong sasakyan ang may right-of-way?
- Ang sasakyan sa kaliwa
- Ang sasakyan na nasa interseksyon
- Ang sasakyan na naunang bumagal
- Ang mga puting linya sa daan na:
- naghahati sa mga "lanes" na tumatakbo sa isang direksyon
- naghihiwalay sa trapiko na tumatakbo sa isang direksyon
- palatandaan na maaring lumusot ng pakanan o pakaliwa